--Ads--
Bumagal sa pinakamahinang antas sa mahigit apat na taon ang paglago ng perang ipinapadala ng mga OFW noong Hunyo.
Ayon sa BSP, tumaas lamang ng 1.7% year-on-year sa $3.04 bilyon ang cash remittances, pinakamabagal mula Pebrero 2022.
Kabilang sa mga dahilan ang paghina ng ekonomiya sa ilang host countries, mataas na cost of living at tensiyon sa Middle East na maaaring nakaapekto sa deployment ng mga Pilipinong manggagawa.
Sa unang kalahati ng 2026, umakyat naman ng 2.4% sa $17.15 bilyon ang cash remittances mula sa $16.75 bilyon noong nakaraang taon.
--Ads--
Nanguna ang Estados Unidos bilang pangunahing pinagmumulan ng remittances, na may 39.4% share.











