Natagpuan ng mga awtoridad sa Peru ang bangkay ng isang ama at anak na nasawi sa landslide na dulot ng matinding ulan na tumama sa mga rehiyon ng Ica at Arequipa sa timog ng bansa.
Apektado ng malalakas na pagbuhos ng ulan ang tinatayang 5,500 bahay at napilitang lumikas ang maraming residente.
Nanawagan ang mga opisyal sa Arequipa sa pangulo ng Peru na ideklara ang state of emergency sa rehiyon.
Inihayag naman ng Council of Ministers ng Peru na mahigit 700 distrito sa buong bansa ang idineklara nang nasa emergency status.
Ang pagliligtas sa kanila ay naganap isang araw matapos mamatay ang 15 katao nang bumagsak ang isang military helicopter habang nagsasagawa ng rescue operations sa gitna ng baha.
Ayon sa mga meteorologist, ang El Niño Costero (coastal) phenomenon ang sanhi ng ilang linggong malalakas na pag-ulan sa Peru at inaasahang lalakas pa sa susunod na buwan.






