Naging maayos ang daloy ng trapiko sa isinagawang Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2026 matapos ipatupad ang mahigpit na traffic rerouting at koordinasyon ng iba’t ibang ahensya sa Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMAJ Melchor Acosta Aggabao Jr., ang hepe ng TEU, sinabi nito na nakatuon ang kanilang operasyon sa pamamahala ng parking at trapiko sa paligid ng venue, katuwang ang iba pang yunit ng pulisya.
Ayon kay PMAJ Aggabao, pansamantalang isinara ang bahagi ng highway patungo sa arena upang bigyang-daan lamang ang mga delegado at kalahok sa parada at opening program. Nagpatupad din ng malinaw na sistema ng entrance at exit, pati na mga drop-off point para sa malalaking sasakyan tulad ng bus, na may nakatalagang parking area pagkatapos magbaba ng pasahero.
Dagdag pa niya, may hiwalay ding parking allocation para sa mga VIP upang maiwasan ang pagsisiksikan sa loob ng venue.
Gayunman, aminado ang opisyal na nakaranas ng pagsisikip ng trapiko sa oras ng labasan dahil sa dami ng sasakyan at paggamit ng highway bilang parking area, na nagresulta sa pagbawas ng magagamit na lane. Dahil dito, ipinatupad ang stop-and-go scheme sa loob ng ilang minuto upang maibsan ang daloy ng sasakyan. PMAJ Melchor Acosta Aggabao Jr., Sa kabila nito, sinabi ni PMaj. Aggabao na nanatiling manageable ang sitwasyon at wala namang naitalang vehicular accidents na may kaugnayan sa aktibidad ng CAVRAA.
Home Local News
Mahigpit na rerouting at koordinasyon, susi sa maayos na daloy ng trapiko sa CAVRAA Meet 2026
--Ads--











