Nakalaya na sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Biyernes, Setyembre 4, matapos ma-verify ang release order na inilabas ng Sandiganbayan.
Pinalaya si Bonoan bandang alas-10:35 kaninang umaga matapos tiyakin ng CIDG-NCR na wala siyang iba pang warrant o non-bailable case na maaaring maging dahilan upang manatili siya sa kustodiya.
Nauna nang iniutos ng Sandiganbayan Fifth Division ang kanyang paglaya matapos siyang alisin bilang akusado sa plunder at graft cases kaugnay ng umano’y P573-milyong kickbacks sa flood control projects.
Sumailalim din si Bonoan sa medical assessment ng PNP Health Service bago siya ipinagkatiwala sa kanyang pamilya.
Gayunman, nananatili siyang respondent sa hiwalay na graft case sa Sandiganbayan Second Division, kung saan nakapagpiyansa na siya ng P90,000.









