Tumaas sa 50.8 ang Manufacturing Purchasing Managers’ Index (PMI) ng Pilipinas nitong Mayo mula sa 48.3 noong Abril, ayon sa S&P Global, senyales ng pagbabalik sa expansion ng sektor ng manufacturing.
Ayon sa ulat, muling tumaas ang produksyon at bagong orders dahil sa pagbuti ng domestic demand at bagong kliyente, ngunit nananatiling mahina ang export orders.
Kasabay nito, tumaas din ang presyur sa gastos dulot ng supply-chain disruptions at pagtaas ng presyo ng langis at hilaw na materyales na pinalala pa ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Binigyang-diin din ng S&P Global na tumaas ang factory costs sa pinakamabilis na antas mula pa noong 2022, dahilan upang itaas ng mga kumpanya ang presyo ng kanilang produkto.
Gayunman, bumaba pa rin ang employment sa sektor dahil sa layoff at resignations, habang patuloy na umaasa ang mga manufacturer sa pagbuti ng demand sa mga susunod na buwan.






