--Ads--

CAUAYAN CITY – Tampok ang ilang aktibidad sa pagsisimula ngayong araw ng Balamban Festival sa Santiago City na magtatapos sa May 5, 2019.

Karamihan sa mga aktibidad ay gaganapin sa Integrated Transport Terminal (ITC) sa 4 Lanes sa Malvar, Santiago City.

Matatagpuan dito ang banchetto at baratilyo na dinadayo na ng mga tao.

Ngayong May 1, 2019 ay gaganapin ang drum and lyre competition sa ITC grounds sa Malvar, Santiago City; ang Infomercial Competition sa Bulwagan ng mga Mamamayan at grand Santacruzan sa City Proper at Battle of Bands sa ITC grounds.

--Ads--

Sa May 2, 2019 ay gaganapin ang Fun Bike, Beki volleyball exhibition at basketball exhibition sa Bulwagan ng mga Mamamayan at ang Barangay Night tampok ang mga aktres na sina Katrina Halili at Andrea Torres.

Sa May 3, 2019 ay ang Balamban Job Fair sa Robinsons Place, ang Balamban Kite Fest at Laro ng Lahi sa ITC grounds at ang coronation night ng Mutya ng Santiago sa ITC grounds .

Sa May 3-4, 2019 ay gaganapin ang Dart Tournament sa Martone Mall; habang sa May 3 ay ang Santiago de Carig Cultural Show, Dog Fashion Show and Exotic Animal Expo, Most Disciplined Triycle sa Bulwagan ng mga Mamamayan at ang Araw ng mga Magsasaka sa ITC grounds.

Sa huling araw ng Balamban Festival sa May 5, 2019 ay gaganapin ang Silver Balamban Float parade competition sa City proper, LTBQ pride parade, ang street dance showdown competition at grand concert and fireworks display sa ITC grounds.

Samantala, abala na ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa paghahanda sa paglahok nila sa street dance and showdown competition maging ang mga pribadong kompanya na lalahok sa float parade.