--Ads--

Rerepasuhin ng Maritime Industry Authority o MARINA ang ipinatupad na dagdag-pasahe ng ilang ferry operators sa Mindoro, Romblon, Marinduque at iba pang ruta sa Visayas.

Ayon kay MARINA Region IV Director Maximo Bañares Jr., hindi dapat lalampas sa 10% ang fare adjustment na maaaring ipatupad ng mga operator.

Iniulat na nasa 18% hanggang 20% ang naging dagdag-pasahe sa ilang ruta, na iniuugnay sa pagsipa ng presyo ng fuel.

Sinabi ng MARINA na aabisuhan ang mga operator kung lalampas sa itinakdang fare ceiling ang kanilang increase.

--Ads--

Binigyang-diin din ng ahensya na dapat awtomatikong ibaba muli ang pasahe kapag bumaba na ang presyo ng petroleum products.