--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga miyembro ng Cauayan City Police Station ang isang massage therapist sa kanilang isinagawang drug buy-bust operation kagabi sa isang hotel sa San Fermin, Cauayan City.

Ang suspek ay si Steaven Tabago, 22anyos, binata at residente ng San Fermin, Cauayan City.

Bago nadakip si Tabago ay nakatanggap ng impormasyon ang Cauayan City Police Station na nagbebenta siya ng illegal na droga.

Dahil dito ay nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga miyembro ng Cauayan City Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2. 

--Ads--

Nakabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na poseur/buyer sa halagang Php 500.

Sasampahan si Tabago ng kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.