--Ads--

Target ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa Cauayan City upang mapalakas ang kanilang proteksyon laban sa tigdas at rubella.

Sa pahayag ni Sangguniang Panlungsod Member Paolo Eleazar “Miko” Delmendo, hinikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na samantalahin ang programa at dalhin ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na vaccination site sa kanilang barangay.

Kabilang sa MRSIA ang pagbibigay ng measles at rubella vaccine sa mga batang pasok sa itinakdang age group, gayundin ang libreng Vitamin A supplementation bilang bahagi ng programa. Pinayuhan naman ang mga magulang na dalhin ang baby book o vaccination record ng kanilang anak, kung mayroon, upang mapadali ang proseso ng pagpapakuna.

Binigyang-diin din ni SP Member Delmendo ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga barangay, ahensya, paaralan at iba pang partner organizations upang matiyak na maaabot ng programa ang lahat ng kwalipikadong bata.

--Ads--

Layunin ng MRSIA na mapalawak ang proteksyon ng mga batang 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan sa mga magulang at tagapag-alaga na makiisa at tiyaking mabibigyan ng kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak.Mga Batang Cauayeño, Target ng Libreng Bakuna Kontra Tigdas at Rubella