--Ads--

CAUAYAN CITY – Sunod-sunod nang dumarating ang mga delegado mula sa iba’t ibang panig sa bansa at mga dayuhang atleta na sasabak bukas sa Philippine Athletics Championship sa Sports Complex sa Ilagan City.

Maliban sa 24 teams mula sa buong Pilipinas, lalahok din sa naturang aktibidad ang bansang Jordan, Mongolia, Singapore, Malaysia at iba pang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Dr. Dorie Claravall, Regional Director ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na magiging batayan ang naturang aktibidad para sa mga manlalaro na maaari namang sumabak sa ASEAN Games.

Sa ngayon, mayroon nang kilalang mga atleta kabilang na si Eric Shawn Cray ang dumating na sa Ilagan City at naghahanda na para sa laro bukas.

--Ads--

Magpapasaya naman sa national open ang ilang kilalang artists kabilang si Kakai, Juan Carlos, at.

Magsisimula ang Philippine Athletics Championship bukas at magtatapos sa Biyernes March 8, 2019.