--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang mga force multiplier para sa padiriwang ng mga muslim sa Eidhl Adha sa lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division o POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na nakahanda na ang kanilang mga kasapi sa pagbabantay sa isasagawang pagtitipon ng mga muslim community sa Cauayan City.

Bukas ay may isasagawang programa ang mga muslim sa kanilang center para sa pagdiriwang nila ng Eidl Adha.

Karaniwang nagmumula pa sa Santiago City at iba pang lugar sa Isabela ang mga dumadalo sa pagtitipon na isasagawa naman sa open area kaya wala nang isasarang kalsada.

--Ads--

Karaniwang ginagawa ng mga muslim tuwing Eidl Adha ay nagdarasal at namimigay ng pagkain sa kanilang kapwa.

Wala naman aniyang inanunsyong motorcade o pagmamartsa ang mga muslim sa pagdiriwang ng Eidl Adha.