--Ads--

Pinabulaanan ng kampo ni Issa Pressman ang kumakalat na espekulasyon online na siya ay buntis matapos mapansin umano ng ilang netizens ang “baby bump” nito.

Ayon kay Vani Altomonte, public relations representative ng aktres, walang katotohanan ang mga tsismis. Nilinaw rin niya na sa halip na baby, isang bagong alagang aso ang ikinagagalak ngayon nina Issa at James Reid.

Ayon sa kanya, ang kanilang Aussie Doodle na si Koda ang new addition sa kanilang buhay. Dagdag pa ng kampo, sa kabila ng kanilang busy schedules, nananatiling maayos ang relasyon ng celebrity couple at patuloy na nakakapaglaan ng oras para sa isa’t isa.

Samantala, abala rin si James Reid sa kanyang mga proyekto, kabilang ang paparating niyang serye kasama si Kathryn Bernardo.

--Ads--