Nakahanda na ang mga paaralan sa Lambak ng Cagayan para sa pagsisimula ng pasukan sa Lunes, Hunyo 8.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Benjamin Paragas, Regional Director ng Department of Education Region 2, sinabi niya na hindi lamang paglilinis at pagkukumpuni sa mga paaralan dahil inayos din ang teacher’s at class schedule upang matiyak na maging organisado ang pagbabalik-eskwela.
Inabisuhan din nito ang mga Guro na kumpunihin ang mga sirang upuan o gamitin ang mga donasyon mula sa Parents at Teachers Association upang may magamit kung sakaling kailanganin ng karagdagang silya para mga mag-aaral.
Dahil sa pagdami ng mga enrollees, may ilan aniyang silid-aralan na nilalagyan ng dibisyon upang ma-accommodate ang dalawang section o grade level.
Gayunpaman, mayroon naman aniyang mga isasagawang konstruksyon ng ng mga karagdagang silid-aralan upang maibsan ang shortage ng classrooms sa Rehiyong Dos.
Samantala, nagbigay naman ang DepEd ng Quick Response Fund sa Schools Division Office ng Cagayan upang na gagamitin para sa paggawa ng Learning Continuity Space upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyanteng apektado ng nasunog na Paaralan sa Lasam, Cagayan.
Kung sakali mang hindi umabot ang Learning Continuity Space ay gagamitin muna pansamantala ang ilang mga non-teaching rooms gaya ng library o laboratory rooms para gawing instructional rooms.
Batay aniya sa insiyal na imbestigasyon, faulty electrical wirings ang tinitingnang sanhi ng sunog. Dahil dito ay pinapasuri na nila sa mga eksperto ang mga linya ng kuryente sa mga paaralan pangunahin na ang mga lumang gusali upang maiwasan ang sunog.
Maliban dito ay may naitala ring sunog sa isang Paaralan sa Lallo, Cagayan.











