CAUAYAN CITY- Nanatiling nasa maayos na kalagayan ang mahigit 143 Persons Deprived of Liberty ng Bureau of Jail Management o BJMP Cauayan sa kabila ng mainit na panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Warden Atty Emerald Humbrebueno, sinabi niya na maayos na nababantayan ng mga nurse at mabilis ding nakakatugon ang kanilang hanay sa mga emergency situation.
Aniya sa ngayon ay kakaunti na lamang ang PDL sa kanilang pasilidad kaya hindi na congested ang mga piitan maliban pa sa well ventilated ang mga ito.
Sobra sobra din ngayon ang supply nila ng mga gamot,flu vaccines at bitamina na para sa mga PDL.
Scheduled naman ngayong araw ang pagturuok ng Flu Vaccines sa mga nakapiit sa BJMP Cauayan.
Maayos din nilang nababantayan ng Food Service Specialist ang nutrisyon ng mga PDL sa pamamagitan ng maayos na paghahanda ng pagkain na pasok sa 70 pesos budget per meal para sa kanila.
Samantala, maayos na naka boto ang mga mga PDL’s na naka rehistro sa pamamagitan ng special polling precinct para sa mga PDL’s.
Nanatili naman ang oras ng mga dalaw sa 1-4 pm mula sa Martes hanggang Hwebes habang whole day naman sa Sabado at Linggo.