--Ads--

CAUAYAN CITY – Maraming residente ng Coastal areas ng Isabela natuwa sa pagdedeklara sa kanilang mga bayan bilang insurgency free.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan ka Maj. Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office o DPAO ng 5th Infantry Division Phil. Army sinabi niya na bakas sa mga mukha ng mga residente ng Maconacon at Divilacan Isabela ang tuwa dahil sa pagdedeklara sa kanilang bayan bilang insurgency free municipality.

Matatandaang ginanap ang declaration ceremony sa dalawang bayan noong ikalabindalawa ng Abril sa Maconacon Isabela Gymnasium upang ideklara ang paglaya nila sa impluwensya panggugulo ng CPP-NPA-NDF.

Aniya masisigurado na ang progreso sa nasabing bayan dahil wala nang rebeldeng hahadlang sa pag-unlad ng mga residente.

--Ads--

Batay aniya sa mga kwento ng mga residente hindi sila basta-basta nakakapunta sa kanilang mga sakahan sa kabundukan ng Sierra Madre dahil sa presensya ng mga makakaliwang grupo.

Ayon kay Maj. Pamittan nasa tatlumpong bayan at lungsod na sa Isabela ang pormal na idineklara bilang insurgency free.

May plano aniya ang Department of National Defense na magtayo ng Naval Base sa bahagi ng Coastal Towns ng Isabela at umaasa silang ito ay maisasakatuparan upang matiyak ang seguridad sa lugar at mapatuloy ang pag-unlad sa pamumuhay ng mga residente.

Aniya may kaugnayan naman ito sa ipinapatayong EDCA Sites sa bahagi ng Gamu Isabela at iba pang bahagi ng rehiyon.