--Ads--

Arestado ang isang most wanted person na nahaharap sa limang kaso ng rape sa Echague, Isabela.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay San Felipe, Echague, dakong alas-3:30 ng hapon nitong Setyembre 14.

Pinangunahan ng Tracker Team ng Echague Police Station ang operasyon, katuwang ang 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 at Provincial Intelligence Unit ng IPPO.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Leon,” 26-anyos at residente ng nasabing lugar.

--Ads--

Nahaharap siya sa tatlong kaso ng rape sa ilalim ng Republic Act 11648 at dalawang kaso ng qualified rape, na pawang walang inirekomendang piyansa.

Dinala ang akusado sa Echague Police Station para sa dokumentasyon bago i-turn over sa issuing court.