Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang mosyon ni dating Speaker Martin Romualdez na mailipat sa isang government hospital.
Inanunsyo ito ni Associate Justice Karl Miranda sa arraignment ni Romualdez, na dumalo sa pamamagitan ng videoconference mula sa New Quezon City Jail.
Ayon kay Miranda, walang sapat na merito ang mosyon na inihain noong Setyembre 14, matapos sabihin ng mga doktor ng Philippine General Hospital na stable na ang kondisyon ni Romualdez at hindi na niya kailangan ng hospital confinement.
Hiniling umano ni Romualdez na ilipat sa Veterans Memorial Medical Center, ngunit sinabi ng korte na wala umanong kinakailangang dahilan para sa kanyang transfer sa isang tertiary hospital.
Nananatili si Romualdez sa infirmary ng New Quezon City Jail habang nahaharap sa P7.4 bilyong plunder case kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.










