--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagkarambulan ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng National Highway, San Fermin Cauayan City, sa harapan ng Private Market dakong alas dyis kagabi.

Kinabibilangan ito ng single motorcycle, tricycle at SUV.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Rescue 922, tatlong indibidwal ang nasangkot sa aksidente.

Ang lulan ng single motorcycle ang nagtamo ng injury na kinailangang isugod sa pribadong ospital upang malapatan ng lunas.

--Ads--

Nasa maayos na kalagayan ang dalawang iba pa na lulan ng tricycle at SUV.

Sa lakas ng impact, nasira ang harapan ng single motorcycle at nayupi rin ang likurang bahagi ng tricycle.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo News Team sa Cauayan City Police Station, kasalukuyan pa ang imbestigasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa nangyari.

Ayon sa Investigation section, hindi nila makuha kagabi ang kuhang footage ng mga CCTV na nakabit sa mga malapit na establisyemento sa pinangyarihan ng aksidente dahil sarado na ang mga ito.