--Ads--

May na-flag o nakitang problema sa 47 flood control projects sa isang distrito sa Davao City ang National Bureau of Investigation o NBI dahil sa umano’y mga problema sa implementasyon.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, sa 100 proyekto na kanilang sinuri, anim sa 47 ang malinaw na may problema, kabilang ang mga umano’y ghost at substandard projects.

Sinabi ni Matibag na may isang set ng coordinates na umano’y ginamitan ng limang magkakaibang budget na magkakaiba lamang ang project title.

Samantala, sinabi niyang magpapalabas ang NBI ng subpoena sa tatlong contractor at sa Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay ng imbestigasyon.

--Ads--

Ayon pa kay Matibag, hindi kabilang si Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa mga papadalhan ng subpoena.