--Ads--

Kinasuhan na ng Office of the Ombudsman si former House of Representatives Speaker Martin Romualdez ngayong araw.

Ito’y matapos ihain ng tanodbayan ang kasong “plunder” sa Sandiganbayan laban sa dating house speaker.

Bukod kay Rep. Romualdez, kabilang sa mga kinasuhan sina former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, Joselyn Serenio at Felicito Guevarra.

Matatandaang nauna nang itinanggi ni Romualdez ang nasabing alegasyon at handa umano siyang patunayan ito.

--Ads--

Samantala, nabanggit na rin ng Office of the Ombudsman noon na may 42 wintess silang inihanda para sa nasabing kaso laban kay Romualdez.

Ngayong Lunes, Sept. 7, ay dumating sa Sandiganbayan si Assistant Ombudsman Mico Clavano para maghain ng kaso, gayunpaman ay wala pa itong ibinibigay na detalye kung ito ba ay ang mismong Plunder case na laban kay Romualdez.Samantala, nakaantabay naman tayo ngayon dito sa Office of the Ombudsman para sa press conference, kung saan pormal na iaanunsyo ang nasabing paghahain ng kaso.