Tututukan ng bagong Prime Minister ng United Kingdom na si Andy Burnham ang pagpapalawak ng abot-kayang pabahay, pagpapababa ng cost of living, at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Girly Gonito, kabilang sa pangunahing prayoridad ng bagong Punong Ministro ang pagtugon sa suliranin ng homelessness o mga walang tirahan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming housing projects, partikular sa mga lugar sa labas ng London.
Ayon kay Gonito, layunin din ni Burnham na mapagaan ang gastusin ng mga mamamayan, lalo na ng mga low-income families, dagdagan ang suporta sa mga senior citizen, at isulong ang 10-year plan para sa pagpapabuti ng National Health System at housing development.
Sinabi rin nito na bagama’t nakatakdang repasuhin ng bagong administrasyon ang migration policy, kinikilala pa rin nito ang mahalagang ambag ng mga migrant worker, kabilang ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga ospital, nursing homes at iba pang mahahalagang sektor sa United Kingdom.
Samantala, inihayag ni Gonito na nananatiling hamon sa maraming Pilipino sa UK ang mas mahihigpit na immigration rules, kabilang ang mas mahabang panahon bago maging permanent resident at ang itinakdang minimum income requirement upang maisama ang kanilang pamilya sa bansa.





