--Ads--

Pumalo sa $3.02 bilyon ang remittances ng mga overseas Filipino noong Enero 2026, bumaba mula sa $3.52 bilyon noong Disyembre matapos ang holiday surge. Bagama’t tumaas ito ng 3.5% kumpara Enero 2025 na $2.92 bilyon, bahagyang bumaba ito mula sa nakaraang buwan.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos bilang pinagmumulan ng remittance, kasunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, at United Kingdom. Sa kabuuang padala, $2.41 bilyon ang mula sa land-based workers at $610 milyon mula sa sea-based workers, parehong may 3.5% na paglago taon-taon.

Sa kabuuan, umabot sa $3.36 bilyon ang personal remittances, kabilang ang cash at in-kind, tumaas mula $3.24 bilyon noong Enero 2025. Ang padalang pera ng mga overseas Filipinos ay nananatiling mahalagang suporta sa ekonomiya, na kumakatawan sa 7.3% ng GDP noong 2025.