Ilulunsad ngayong araw hanggang bukas ng Philippine Air Force ang kauna-unahang mall exhibit sa SM City Mall bilang bahagi ng kanilang anibersaryo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Jan Marc Gloria – Wing Information and Historical Officer, sinabi niya na ilan sa kanilang iatatampok sa mall exhibit ay ang kanilang mini replica ng kanilang aircrafts at iba pang mga kagamitan para ipakita ang kapabilidad ng Air Force.
Isa sa mga highlight ay ang kanilang flight simulator para sa 15th strike wing at 5th fighter wing.
May ilalagay ding booth ng reservist at active services ang TOG 2 para naman sa mga nagnanais mag-inquire kung paano maging bahagi ng Philippine Air Force.
Inaanyayahan niya ang publiko na makiisa sa kanilang aktibidad na bahagi ng kanilang serbisyo publiko.
Bukas ang exhibit mula alas-10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.