--Ads--
Iginiit ng House prosecution panel na hindi dapat maapektuhan ng pag-aresto kay Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng kasong plunder ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kina Representatives Zia Alonto Adiong, Renee Co, at Atty. Benjamin Tolosa, magkaibang usapin at hiwalay na proseso ang kinahaharap na kaso ni Marcoleta at ang impeachment proceedings laban kay Duterte.
Binigyang-diin din nila na ang umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng ₱75 milyong campaign donations noong 2025 midterm elections ay naganap bago pa man maisumite sa Senate Impeachment Court ang articles of impeachment.
Dahil dito, naniniwala ang prosecution panel na walang dahilan upang maantala o maapektuhan ang nakatakdang pagsisimula ng impeachment trial.
--Ads--











