--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagbabantay sa isang pamilya na nagpositibo sa COVID-19 sa Rogus, Cauayan City kahit inalis na ang umiiral na calibrated lockdown kahapon.

Matatandaang noong June 18 ay isinailalim sa calibrated lockdown ang naturang barangay dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng isang residente na dumalo sa isang lamay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panglunsod member Faustino ‘Jong’ Gapasin Jr. na kasabay ng pagtanggal sa umiiral na lockdown sa barangay Rogus ay inalis na rin ang mga checkpoint sa entry at exit points.

Bukod dito ay bukas na rin ang mga tindahan at establisyemento na isinara.

--Ads--

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagbabantay sa tahanan ng walong nagpositibo sa COVID-19 na magkakapamilya para matiyak na wala ng mahawa pa lalo na at negatibo naman sa virus ang lahat ng kanilang mga nakasalamuha.

Mayroon aniyang checkpoint malapit sa kanilang bahay.

Ayon kay Sangguniang Panglunsod member Gapasin, kailangan nilang tapusin ang 21 days quarantine dahil wala ng reswabbing sa kanila.

May ibinigay namang ayuda ang pamahalaang lunsod at barangay para sa pangunahin nilang pangangailangan habang sila ay nakaquarantine.

Nagpaalala naman siya sa mga hindi naniniwala sa COVID-19 na maging aral ang nangyari sa barangay Rogus dahil patunay lamang nito na kahit sa mga baryo ay walang nakakalusot sa naturang virus.

Tinig ni Sangguniang Panglunsod member Faustino ‘Jong’ Gapasin Jr.