--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nanawagan para sa tulong ang Pamilya ng lalakeng biktma ng hit and run sa Barangay Cabaruan Cauayan City sa tsuper ng sasakyang nakabangga sa kanya na sumuko na sa mga otoridad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Irish Levita Ugaddan Farro sinabi niya na pasado alas onse ng gabi nang papatawid ang pinsan niyang si Harold Mamauag nang mabangga siya ng humaharurot na Toyota Vios na kulay blue.

Aniya makikita rin sa CCTV footage na mabilis ang takbo ng vios sanhi para magkaroon ng bali maging dislocation sa buto at sugat sa tenga ang kaniyang pinsan.

Sa ngayon ay nasa pagamutan ang biktima at nakatakdang sumailalim sa operasyon.

--Ads--

Kasalukuyan na rin silang nangangalap ng CCTV footage na maaaring nakahagip sa pangyayari at sa direksyong tinungo o dinaanan ng sasakyan.

Nanawagan sila ngayon sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanila kung sakaling may makitang toyota vios na kulay blue na may sirang bumper sa harapan upang mapanagot ang driver ng sasakyang nakabangga sa biktima.

Nanawagan din siya sa tsuper na sumuko na sa mga otoridad at tulungan sila sa pagpapagamot sa kanyang pinsan.