Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Anutin Charnvirakul sa Cebu matapos ang matagumpay na 48th ASEAN Summit bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Thailand.
Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalalim ng bilateral relations sa pamamagitan ng mas madalas na high-level exchanges, pagpapalawak ng kalakalan at ekonomiya, at pagpapatibay ng people-to-people ties sa pagitan ng dalawang bansa.
Binigyang-diin din nila ang kahalagahan ng pagtutulungan sa paglaban sa transnational crimes, kabilang ang mga krimeng tumatawid sa mga hangganan ng mga bansa.
Nagpalitan din ng pananaw ang dalawang lider tungkol sa mga kasalukuyang hamon sa rehiyon at sa pandaigdigang antas.
Muling pinagtibay nina Marcos at Charnvirakul ang kanilang suporta sa pagkakaisa ng ASEAN at ang layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Southeast Asia.











