--Ads--
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang situation briefing kasama ang mga pangunahing opisyal ng pamahalaan kaugnay ng magnitude 7.8 na lindol na nakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao.
Nagbibigay ng mga update sa Pangulo sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DOST Secretary Renato Solidum Jr., DOH Secretary Ted Herbosa, OCD Usec. Harold Cabreros, at mga lokal na opisyal sa mga apektadong lugar, kabilang si General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao.
Kasalukuyang nasa Mindanao ang mga miyembro ng Gabinete alinsunod sa direktiba ng Pangulo para sa isang whole-of-government response.
Samantala, wala pang petsa kung kailan pupunta ang pangulo sa Mindanao upang hindi maabala ang mga ahensiya sa pagtugon sa mga biktima ng lindol.
--Ads--











