Sinagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na desperado ang administrasyon na pabagsakin siya, at tinawag itong “nonsense” at “buwaon” o sinungaling.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakarating kay Marcos ang pahayag ng Vice President kaya nagbigay ito ng tugon.
Kasunod ito ng paglutang ni Rodulfo Gracioso Jr., dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco, na nag-alega umanong naghatid siya ng mahigit ₱2 bilyong cash kay VP Sara. Itinanggi naman ng Vice President na kilala niya si Gracioso o tumanggap siya ng pera mula rito.
Sinabi ni Castro na kailangang may maipakitang ebidensiya si Gracioso para mapatunayan ang kanyang mga alegasyon. Patuloy namang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang mga pahayag ng dating pulis.










