--Ads--

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa kanya ibinubunton ni Vice President Sara Duterte ang pagkadismaya nito kaugnay ng mga isyung kinakaharap ng Bise Presidente.

Ito ay kasunod ng mga naging pahayag ni Duterte laban sa Pangulo, kabilang ang panawagang magbitiw ito sa puwesto, pagtawag dito na walang utang na loob, at pag-akusa na gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Marcos, batid niya ang mga pahayag ng Bise Presidente ngunit pinili niyang huwag nang sagutin ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo na tila siya ang nagiging sentro ng galit ni Duterte dahil sa mga kasalukuyang pinagdaraanan nito.

--Ads--

Gayunman, iginiit ni Marcos na wala siyang magagawa kung hindi siya magugustuhan o mamahalin ng ibang tao.