--Ads--

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa kauna-unahang bilateral free trade agreement ng Pilipinas sa isang bansa sa Latin America, kasabay ng kaniyang pakikipagpulong sa mga lider ng iba’t ibang bansa sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.

Nilagdaan ng Pilipinas at Chile ang Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA) sa bilateral meeting nina Marcos at Chilean President José Antonio Kast Rist.

Sa ilalim ng kasunduan, halos lahat ng produktong iniluluwas ng Pilipinas sa Chile ay magkakaroon ng duty-free access, kabilang ang electronics, makinarya, desiccated coconut, processed tuna at iba pang produktong agrikultural.

Nakipagpulong din si Marcos sa mga lider ng New Zealand, Vietnam, Mexico at Peru upang palakasin ang ugnayan at kooperasyon sa kalakalan, maritime security, food security at iba pang larangan.

--Ads--

Samantala, sa APEC meeting, itinulak ng Pangulo ang pagpapalakas ng digital economy, paggamit ng artificial intelligence para sa maliliit na negosyo at pagtutulungan ng mga bansa laban sa illegal fishing.