--Ads--

Inilabas na ng Malacañang ang Executive Order No. 114 na nagtatakda ng pansamantalang suspensyon ng excise tax sa ilang produktong petrolyo.

Sa ilalim ng kautusan na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., suspendido sa loob ng tatlong buwan ang buwis sa liquefied petroleum gas o LPG at kerosene.

Nakasaad sa EO na ipinatupad ang hakbang ­alinsunod sa rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee o DBCC sa ilalim ng Resolution No. 2026-3, matapos lumampas sa 80 dollar per barrel ang average na presyo ng Dubai crude oil.

Gayunpaman, hindi saklaw ng suspensyon ang LPG na ginagamit bilang raw material sa petrochemical production at bilang fuel sa transport, gayundin ang kerosene na ginagamit bilang aviation fuel.

--Ads--

Sasailalim naman sa buwanang pagsusuri ang implementasyon nito, at maaaring palawigin, baguhin, o ihinto depende sa magiging rekomendasyon ng DBCC.

Awtomatikong ibabalik ang excise tax kapag bumaba sa itinakdang antas ang presyo ng langis o matapos ang itinakdang panahon ng suspensyon.

Inatasan naman ang Department of Energy (DOE), Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Re­venue (BIR), at Bureau of Customs (BOC) na bantayan ang implementasyon at suplay ng mga produktong saklaw ng kautusan.

Agad namang magkakabisa ang EO matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may malawak na sirkulasyon.