CAUAYAN CITY- Sang-ayon ang isang motorcycle enthusiast sa panukala ng Land Transportation Office o LTO na palawigin pa ang Practical exam sa pakuha ng lisensya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Iselco I Director Sherwin Balloga sinabi niya na walang masama sa kagustuhan ng LTO na palawigin ang practical test sa pagkuha ng lisensya .
Aniya napapanahon na ipatupad ito matapos ang malagim na aksidenteng kinasangkutan ng mga motorcycle riders sa Marilaque kung saan isa ang nasawi.
Batay sa panuntunan ng LTO sasailalim sa theoritecal at pratical test ang mga riders bago mabigyan ng lisensya subalit dahil sa dumadaming mga fixers ay hindi na umano nasusunod ang practical examination.
Kung mapapansin aniya ay madalas na nakakapag tala ng aksidente kung saan sangkot ang mga bagito sa paggamit ng motorsiklo lalo na ang mga may lisensya subalit kulang ang kaalaman sa batas lansangan.
Dapat din aniya ay silipin na ang pagkakaroon ng lisensya sa pagbili ng motorsiklo para maiwasan ang scheme kung saan magulang ang kumukuha ng motorisklo subalit menor de edad na anak ang magmamaneho.