--Ads--

Inimpound ng Land Transportation Office (LTO), sa pamamagitan ng Law Enforcement Service (LES) at Intelligence and Investigation Division (IID), ang isang sasakyan na konektado sa Smoke Machine PH — isang Facebook page na nagpo-post ng mga video na nagpo-promote ng ilegal na drag racing.

Ang aksyon ay kasunod ng naunang resolusyon ng LTO laban sa 15 indibidwal na sangkot sa parehong insidente, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mapanganib na aktibidad sa kalsada.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao “Patuloy naming hahabulin ang mga gumagamit ng pampublikong kalsada para sa ilegal na karera. Hindi namin palalampasin ang ganitong uri ng asal.”

Nagpaalala rin ang LTO sa publiko na mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga motorista at mapanatili ang disiplina sa lansangan.

--Ads--