--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpasalamat ang pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA sa pagiging matagumpay ng ginaganap na Philippine Athletics Championship  sa City Sports Complex

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni PATAFA President Dr. Philip Ella Juico na sa loob ng tatlong beses nang maging host ang Ilagan City sa National Open ay nagiging sentro na ng track and field championships mapa lokal man o foreign athletes.

Sinabi pa ni PATAFA President Juico na kontento siya sa performance ng mga atletang pinoy sa katatapos na Philippine Athletics Championship  kung saan mayroong na-qualify na maglaro sa SEA games

Ang Closing ng Philippine Athletics Championship  ay gaganaping ngayong gabi sa Ilagan City sports complex kung saan magkakaroon ng fireworks display na susundan ng konsiyerto nina Emmanuelle Vera at Kakai Bautista.

--Ads--