CAUAYAN CITY- Nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat ang mga kasapi ng Gamu Police Station katuwang ang Scene if the Crime operatives ( SOCO) sa pagbaril at patpatay ng isang sundalo sa kanyang kapwa sundalo sa loob ng Camp Mechor Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela
Ang biktima ay si Sergeant Ronald Oriero, 34 anyos, may-asawa, residente ng Minagbag, Quezon, Isabela habang ang suspek ay si Master Sergeant Romulo Sanglay, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Nassiping, Gattaran, Cagayan.
Sa Nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Supt. Ronald Laggui, Â information officer ng Isabela Police Provincial Office, mayroon nang dating alitan ang dalawang sundalo at nagkaroon pag-aaway hanggang barilin ng maraming beses ni Sanglay si Oriero na sanhi ng kanyang kamatayan.




