Tiniyak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makikipagtulungan sa pamahalaan upang tuluyang maipatupad ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) at maisulong ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Ito ang naging resulta ng pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at MILF Chair Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, kung saan tinalakay ang pagpapabilis ng mga programang pangkabuhayan at iba pang hakbang para mapanatili ang kapayapaan sa Bangsamoro region.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang din sa mga napag-usapan ang pagkumpleto sa huling yugto ng decommissioning ng mga mandirigma ng MILF na nakatakdang isagawa sa 2027.
Target ng pamahalaan at MILF na maisakatuparan ang mga natitirang obligasyon sa ilalim ng kasunduan at malagdaan ang exit agreement bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos.











