--Ads--

Tinanghal na kampeon sa ARBO Category ng PelikulAgraryo 2026 ng Department of Agrarian Reform (DAR) Region 02 ang pelikulang “Agom” ng Isabela State University (ISU) – Cauayan Campus.

Kinilala rin bilang Best Director ang direktor nitong si Darwin Manuzon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Manuzon, sinabi niyang hango ang pelikula sa kuwento ng Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) tungkol sa kasakiman at pang-aabuso sa mga magsasakang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupa.

Umiikot ang “Agom” sa isang ilegal na nagpapautang na nagpapataw ng mataas na interes at kumukuha umano ng lupa ng mga magsasaka.

--Ads--

Ipinakita sa pelikula ang pagsisikap nilang humingi ng tulong sa mga legal consultant ng DAR upang mapatunayan ang pagmamay-ari sa kanilang lupa.

Ayon kay Manuzon, mahalaga ang filmmaking upang maiparating sa publiko ang mga kuwentong hindi pa nila nalalaman, lalo na ang mga suliraning kinakaharap ng mga magsasaka.

Ginanap ang awarding ceremony noong Oktubre 8 sa St. Paul University Philippines sa Tuguegarao City, Cagayan.