Isinagawa ng Philippine Army ang Annual General Inspection 2026 sa Headquarters ng 502nd Infantry Brigade sa Barangay Soyung, Echague, Isabela nitong Setyembre 27.
Pinangunahan ito ni Philippine Army Inspector General MGen. Isagani O. Criste PA upang suriin ang administration, operations, logistics at iba pang functional areas ng brigade.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang pagsunod ng unit sa mga polisiya at pamantayan, gayundin ang organizational readiness at operational capability nito.
Nakipag-usap din si MGen. Criste sa mga sundalo upang pakinggan ang kanilang concerns at bigyang-diin ang disiplina, professionalism at commitment sa tungkulin.
Bahagi rin ng aktibidad ang pagtutok sa kapakanan at well-being ng mga personnel bilang bahagi ng pagpapanatili ng kahandaan at pagiging epektibo ng Philippine Army.











