--Ads--

Nasawi ang dalawang sundalo matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte alas-6:30 ng gabi nitong Setyembre 23.

Kinilala ang mga biktima na sina Private First Class (PFC) Jobert Labuson at PFC John Mark Dumaguing na pawang miyembro ng Philippine Army at nakadestino sa Bravo Company ng 7IB, 6ID ng Philippine Army.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, magkasakay sa isang motorsiklo ang dalawang sundalo nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Batay sa paunang imbestigasyon, magkaangkas ang dalawang sundalo sa isang itim na Kawasaki Bajaj motorcycle nang sundan umano sila ng dalawang suspek na sakay ng puting Yamaha NMAX.

--Ads--

Agad silang pinagbabaril ng mga suspek bago mabilis na tumakas sa lugar.

Tatlong basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa .45 caliber pistol ang narekober ng mga awtoridad sa crime scene.

Isinugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center ang dalawang sundalo ngunit kapwa idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.