--Ads--

Muling umakyat sa 6,300 level ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) matapos tumaas ng 33.89 points o 0.54% upang magsara sa 6,314.90.

Ayon sa mga analyst, nakatulong sa pagtaas ng merkado ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan at bahagyang paglakas ng piso laban sa dolyar.

Lumakas din ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan dahil sa paghupa ng tensyon sa Middle East, na nagbigay-daan sa patuloy na bargain hunting sa stock market.

Samantala, umakyat sa ₱61.67 kada dolyar ang piso mula sa rekord na mababang ₱61.84 noong nakaraang linggo.

--Ads--

Nanguna sa mga aktibong ipinagpalitang stock ang ICTSI, BDO Unibank, at Ayala Land na pawang nagtala ng pagtaas sa kanilang halaga.