--Ads--

Pormal nang natapos ng Pilipinas at Chile ang negosasyon para sa Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), na magiging kauna-unahang free trade agreement ng bansa sa isang bansang Latin American, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, magbubukas ang kasunduan ng mas maraming oportunidad para sa mga negosyong Pilipino, manggagawa, magsasaka at mamumuhunan.

Inaasahang mapapalakas ng kasunduan ang pag-export ng Pilipinas ng electronic products, produktong niyog at personal care products sa Chile, habang mas mapapalawak naman ang pagpasok sa bansa ng mga produktong Chilean gaya ng salmon at copper.

Sinabi ng DTI na makatutulong din ang kasunduan sa pagpapalalim ng kooperasyon sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, inobasyon at digital economy.

--Ads--