--Ads--

Nagkasundo ang Pilipinas at Czech Republic na simulan ang pormal na negosasyon para sa mga kasunduan sa law enforcement, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida.

Sinabi ni Vida sa isang press briefing sa Prague nitong Martes (oras sa Pilipinas) na kabilang sa tatalakayin ang mutual legal assistance treaty, extradition treaty, at transfer of sentenced persons agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Kasunod ito ng pahayag ni Vida na wala na umanong nasa kustodiya ng mga awtoridad ng Czech Republic si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Si Co ay nahaharap sa mga kasong graft at malversation kaugnay ng flood control project sa Oriental Mindoro.

--Ads--