--Ads--

CAUAYAN CITY-Naiuwi ng dalawang magkaibigan mula sa France ang world record matapos silang makabuo ng pinakamataas na bisikleta sa buong mundo.

Ayon sa Guinness World Records na sina Nicolas Barrioz at David Peyrou ang pinakabagong record holder ng titulong “Tallest Rideable Bicycle” matapos silang makagawa ng bisikleta na may taas na 25 feet and 5 inches.

Maikukumpara ang taas ng bisikleta sa isang adult giraffe o sa isang bahay na may second floor.

Ayon naman sa magkaibigang Barrioz at Peyrou, naisipan lang nilang gumawa ng pinakamataas na bisikleta habang sila ay nag-iinuman sa isang pub. Simula noon ay sineryoso na nila ang pagdidisenyo at pag-source ng mga parts nito.

--Ads--

Ang pinakamataas na bisikleta ay maikukumpara sa isang adult giraffe o sa isang bahay na may second floor.

Batay pa sa magkaibigan na inabot sila ng dalawang taon bago nila mabuo ang bisikleta.