--Ads--

Umakyat sa 7.2 porsyento ang inflation noong Abril, ang pinakamataas na antas sa mahigit tatlong taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang pagtaas ay dulot ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon na nakaugnay sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Mula sa 4.1 porsyento noong Marso at 1.4 porsyento noong Abril 2025, tumaas nang malaki ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ito ang pinakamataas na inflation mula pa noong Marso 2023 na umabot sa 7.6 porsyento.

Mas mataas din ang naturang antas kaysa sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas

--Ads--

Sa kabuuan, mula Enero hanggang Abril, nanatili sa 3.9 porsyento ang average inflation, pasok pa rin sa target ng gobyerno na 2–4 porsyento.

Pinag-aaralan ngayon ng DA ang pagpapatupad ng food lanes, pagtanggal ng toll fees sa agricultural trucks, at pagbawas ng port charges upang mapabilis ang delivery at mabawasan ang logistics cost.

Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na handa ang pamahalaan na magpatupad ng ₱50 kada kilo price cap sa imported rice kung magpapatuloy ang presyur sa presyo.