--Ads--

Kinilala ng Guinness World Records si Ethel Caterham, bilang oldest ­living person in the world sa edad na 115.

Ipinasa sa kanya ang world record nang pumanaw kamakailan si Inah Canabarro Lucas, isang madre mula Brazil. Bago si Lucas, ang titulo ay hawak ni Tomiko Itooka ng Japan.

Ipinanganak si Caterham noong Agosto 21, 1909 sa Shipton Bellinger, Hampshire, isang maliit na bayan sa hilaga ng Salisbury. Siya na ngayon ang huling Briton na isinilang sa panahon ni King Edward VII.

Isa si Caterham sa walong magkakapatid. Ang isa niyang kapatid ay nabuhay rin nang mahigit isang siglo na pumanaw sa edad na 104 noong 2002.

--Ads--

Sa kanyang kabataan, nagtrabaho siya bilang yaya at lumipat sa India sa edad na 18. Doon niya nakilala si Maj. Norman Caterham ng British Army at ikinasal sila noong 1933 sa Salisbury Cathedral.

Nagkaroon sila ng dalawang anak bago pumanaw si Norman noong 1976. Sa kasamaang-palad, nauna ring pumanaw ang kanyang dalawang anak na babae, ang pinakamatanda ay si Anne na sumakabilang-buhay noong 2020 sa edad na 82 dahil sa cancer.

Si Caterham ay huminto lamang sa pagmamaneho sa edad na 97.  Siya ay may tatlong apo at limang apo sa tuhod. Siya ay isang buhay na saksi sa mahigit isang siglo ng kasaysayan ng mundo.