--Ads--

Muling bumagsak sa record low ang halaga ng piso kontra dolyar nitong Miyerkules, Hulyo 22.

Batay sa tala ng Bankers Association of the Philippines, nagbukas ang piso sa P61.73 kada dolyar at tuluyang nagsara sa P61.75, na katumbas ng pinakamahinang antas na naitala rin noong Mayo 18, 2026.

Kasabay ng paghina ng piso ang muling pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, na nagdulot ng pagmahal ng langis sa pandaigdigang merkado at nakaapekto sa galaw ng mga salapi, kabilang ang piso.