--Ads--

Bahagyang ibinaba ng korte sa Quezon City ang piyansa ni Lakambini Chiu, nakatatandang kapatid ng TV host-actress na si Kim Chiu, na nahaharap sa 124 counts ng qualified theft.

Ayon sa abogado niyang si Atty. Dominic Solis, ibinaba ng korte ang bail mula P5.8 milyon sa P5.6 milyon at pinayagan siyang mag-post ng cash bond na maaaring bumaba ng 50% o nasa P2.8 milyon.

Mananatili naman sa P5.6 milyon ang bail kung surety bond ang gagamitin.

Nahaharap si Lakambini sa mga kaso kaugnay ng umano’y P44.4 milyong financial discrepancies sa isang distributor company na kapwa stakeholder ng magkapatid.

--Ads--

Naaresto siya nitong Linggo sa parking area ng isang condominium sa Mandaluyong City at kasalukuyang nakakulong sa Kamuning Police Station sa Quezon City.