--Ads--

Naaresto ng mga operatiba ng Santiago City Mobile Force Company (CMFC) Tracker Team katuwang ang Police Station 3 ng Santiago City Police Office ang isang indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest kaugnay sa kasong qualified theft.

Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng implementasyon ng umiiral na warrant of arrest laban sa akusado na nahaharap sa paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code o qualified theft.

Batay sa ulat ng pulisya, nagtakda ang korte ng piyansang ₱40,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Ayon sa mga awtoridad, ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at binasa rin ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.

--Ads--

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 3 ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa korteng naglabas ng warrant of arrest.