Arestado ang isang wanted person na nahaharap sa kasong Qualified Theft sa isang intel-driven law enforcement operation sa Sitio Bimmangon, Cordon, Isabela.
Kinilala ang akusado na si alyas “Totoy,” 53-anyos, caretaker at residente ng Cordon, Isabela.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Intelligence Operatives at Warrant Server ng Police Station 4 ng Santiago City Police Office (SCPO), katuwang ang MPU at CIU, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na warrant of arrest.
Ang pag-aresto ay alinsunod sa warrant of arrest na inisyu noong Mayo 18, 2026 ng Regional Trial Court Branch 35 sa Santiago City kaugnay ng nasabing kaso. Itinakda ang inirekomendang piyansa sa halagang ₱40,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang kanilang mga operasyon laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa komunidad.
Home Police Report
Wanted sa kasong qualified theft, arestado sa operasyon sa Cordon, Isabela
--Ads--











